Para sa akin ay matuto ng "segregation" ng mga nabubulok at hindi.
Ang mga pagkain, siguraduhing kayang maubos, hindi yung ititira na lang, iiwanan. Matutong manhinayang sa mga ipinagkaloob ng Diyos para sa atin.
Sa loob ng tatlong araw... napansin ko na maari nga nating iayos at isagawa ng matino ang pagaayos ng ating basura para sa ating inang kalikasan. Sa pagkain, ang ating mga natira, kailangan nating ihiwalay sa mga di-nabubulok para maging pataba sa lupa... Pero sa kalagayan ko (matakaw), parang di naman tama na may matira pa... siguro nararapat lang na maubos talaga ang pagkain natin upang masayang ang mga bagay na pinagkaloob para sa atin. Makikita naman sa larawan ang resulta.
No comments:
Post a Comment